Leonard itinakas ang Clippers vs Lakers
LOS ANGELES -- Humugot si Kawhi Leonard ng 11 sa kanyang 35 points sa fourth quarter para tulungan ang Clippers sa 111-106 pagpapatumba sa Lakers sa NBA marquee Christmas game.
Nagdagdag si Montrezl Harrell ng 18 points mula sa bench habang may 17 markers si Paul George para sa ikalawang panalo ng Clippers kontra sa Lakers ngayong season.
Binanderahan naman ni Kyle Kuzma ang Lakers mula sa kanyang 25 points.
Naglista si LeBron James ng 23 points, 10 assists at 9 rebounds samantalang may 24 markers naman si Anthony David sa ikaapat na sunod na kamalasan ng Lakers.
Sa Philadelphia, kumolekta si Joel Embiid ng 31 points at 11 rebounds sa unang Christmas game ng 76ers sa 31 taon para talunin ang Milwaukee Bucks, 121-109.
Nagsapak si Tobias Harris ng limang triples at may tig-apat sina Josh Richardson at Furkan Korkmaz at tatlo si Embiid para sa franchise record-tying na 21 triples ng Philadelphia.
Umiskor si Khris Middleton ng 31 points sa panig ng Milwaukee, nakahugot kay Giannis Antetokounmpo ng 18 points at 14 rebounds.
Sa San Francisco, umiskor si Draymond Green ng 16 sa kanyang 20 points sa second half habang nagdagdag si Damion Lee ng 22 points at career-high 15 rebounds para akayin ang Golden State Warriors sa 116-104 paggupo sa Houston Rockets.
May 20 markers naman si D’Angelo Russell kasunod ang 18 points ni Glenn Robinson III para sa ikatlong sunod na ratsada ng Warriors.
Nagtapos ang four-game winning streak ng Rockets, nakakuha kay Russell Westbrook ng 30 points at 12 rebounds.
- Latest