^

PSN Palaro

Motolite giniba ang BaliPure

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginupo ng Motolite ang BaliPure sa pamamagitan ng 25-16, 25-21,25-19 desisyon upang sumosyo sa ikatlong puwesto sa 2019 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagpakawala ng matatalim na opensa at solidong depensa sa net ang Power Builders para makuha ang ikasiyam na panalo sa 14 pagsalang upang higit pang palakasin ang tsansa nito sa semis.

Dahil sa panalo, uma­ngat ang Motolite sa No. 3 kasalo ang BanKo Perlas na may katulad na marka.

Muling nangibabaw si Diana Mae Carlos nang pumalo ito ng 17 hits mula sa 12 attacks, apat na aces at isang block kalakip ang 12 digs habang umariba rin si Isa Molde na tumipa ng 15 markers.

Sa Collegiate Confe­rence, nasungkit ng A­damson University ang kam­peonato matapos i­lampaso ang University of Santo Tomas sa bendisyon ng 25-19, 25-6, 25-17 demolisyon sa Game 2.

Tinapos ng Lady Falcons ang best-of-three championship series ta­ngan ang malinis na 2-0 marka.

Itinanghal na Most Va­luable Player si Adamson wing spiker Trisha Genesis na siya ring kumuha ng First Best Outside Hitter award habang Finals MVP si Adamson playmaker Louie Romero.

Nakuha naman ng A­teneo de Manila University ang tansong medalya nang pataubin nito ang College of Saint Benilde, 25-20, 25-14, 22-25, 25-19  sa hiwalay na battle-for-bronze match.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with