^

PSN Palaro

Fighting Maroons paborito vs Red Warriors

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Fighting Maroons paborito vs Red Warriors
Sa pagkawala ni head coach Bo Perasol dahil sa three-game suspension, nabigo ang Katipunan-based UP sa mga kamay ng Far Eastern University Tamaraws, 79-82 noong Oktubre 6 kaya asam ni assistant coach Ricky Dandan na bumangon agad upang mabawi ang tiwala ng buong koponan.
UAAP

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagkawala ng kanilang head coach, paborito pa rin ang University of the Philippines Fighting Maroons kontra sa University of the East Red Warriors ngayon sa pagpapatuloy ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa MOA  Arena sa Pasay City.

Haharapin ng pumapangalawang Fighting Maroons (5-3) ang Red Warriors (3-6) sa alas-4 ng hapon habang hangad naman ng National University Bulldogs (2-7) ang unang back-to-back win kontra sa Adamson Soaring Falcons (3-6) sa alas-2 ng hapon.

Sa pagkawala ni head coach Bo Perasol dahil sa three-game suspension, nabigo ang Katipunan-based UP sa mga kamay ng Far Eastern University Tamaraws, 79-82 noong Oktubre 6 kaya asam ni assistant coach Ricky Dandan na bumangon agad upang mabawi ang tiwala ng buong koponan.

Tangan ang 5-3 win-loss kartada, mahigit half-a-game lamang ang bentahe ng Fighting Maroons mula sa pumapangatlong UST Growling Tigers na mayroon ng 5-4 record kaya gusto ng UP na protekta­han ang kanilang hawak sa second spot para lumapit sa twice-to-beat advantage sa Final Four.

Nagwagi ang Fighting Maroons laban sa Red Warriors, 62-56 sa first round ng elimination noong Setyembre 21 kung saan umani si Bright Akhuetie ng 16 puntos at limang rebounds habang 12 puntos naman mula kay Javi Gomez de Liaño.

Itatapat naman ni head coach Bong Tan Jr. sina Alex Diakhite, Harvey Pagsanjan, Rey Suerte, Chis Conner, Neil Tolentino, Frederick Antiporda, Jed Mendoza at Philip Manalang.

Inaasahan din ang mainit na pagtatagpo ng Falcons at Bulldogs kung saan asam ni NU coach Jamike Jarin na bumawi sa masaklap na 83-84 overtime loss sa Marcelino-based cagers sa unang pagtatagpo noong Set­yembre 7.

 

vuukle comment

MEN’S BASKETBALL TOURNAMENT

SEASON 82 UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with