^

PSN Palaro

Arwind Pinagmulta

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Arwind Pinagmulta
Ilang oras matapos ihayag kahapon ni Jones sa Instagram account ang mababang pagtingin ni Santos sa kanyang lahi at pagkatao ay kaagad gumawa ng aksyon si Marcial.
Jun Mendoza

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

7 p.m. SMB vs TNT Katropa

MANILA, Philippines — Kung maraming San Miguel fans ang natuwa sa pagsasayaw na parang unggoy ni Arwind Santos na direkta kay TNT Katropa import Terrence Jones, hindi si PBA Commissioner Willie Marcial.

Ilang oras matapos ihayag kahapon ni Jones sa Instagram account ang mababang pagtingin ni Santos sa kanyang lahi at pagkatao ay kaagad gumawa ng aksyon si Marcial.

Pinatawan ng PBA Commissioner’s Office si Santos ng multang P200,000 dahil sa kanyang ‘monkey gesture’ na direkta sa PBA Best Import sa second quarter ng 99-94 panalo ng Beermen laban sa Tropang Texters sa Game Five ng 2019 PBA Commissioner’s Cup Finals noong Miyerkules.

Bukod sa multa ay magbubuhos din si Santos ng 100 oras na community service at sasailalim sa seminar at counseling tungkol sa equality at racial discrimination.

“Walang lugar ang racial discrimination sa basketball at sports in ge-neral at sa PBA in particular,” sabi ni Marcial. “Hindi pinahihintulutan ng liga yung mga ganung aksyon, at kung maulit pa, mas mabigat na sanction ang ipapataw natin.”

 Samantala, ito ang pagkakataong hindi na maaaring pakawalan ng mga Beermen.

Bitbit ang 3-2 bentahe sa kanilang championship series, pipilitin ng San Miguel na talunin sa ikatlong sunod na pagkakataon ang TNT Katropa para makamit ang korona ng 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Nakatakda ang pagtutuos ng Beermen at Tropang Texters sa Game Six ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

vuukle comment

ARWIND SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with