^

PSN Palaro

Ramirez tiwala sa Team PH

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng mala­king tiwala si Team Philippines Chef de Mission (CDM) at Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez na maulit ang “milagro” noong SEAG 2005 sa darating na 30th Southeast Asian Games sa Nob­yembre 30 hanggang sa Disyembre 1 sa New Clark City, Metro Manila at Tagaytay City.

“Para sa akin, hindi imposible na mag-champion tayo kasi host tayo eh, at saka malaki itong budget na inasikaso natin,” sabi ni Ramirez sa isinagawang pirmahan ng bagong tripartite agreement noong Miyerkules sa PSC confe-rence room sa Rizal Memorial Sports Complex, Manila.

Naglaan ang Duterte administration ng kabuuang 6-bilyon budget para sa SEA Games kaya kaila-ngan ring suklian ang investment ng gobyerno, ayon kay Ramirez na siya rin ang Chef de Mission at PSC chairman noong 2005 kung saan nasungkit ng Team Philippines ang kauna-unahang overall title.

“Hindi totoo ‘yan na pupunta ng Southeast Asian Games na okay lang ang 3rd or 4th. Eh bakit pa tayo gagastos ng 6-bilyon  kung hindi tayo magcha-champion?” tanong ni Ramirez.

Kung ilan ang kabuuang medalya ang masisikwat ng mga atletang Filipino sa 2019 SEA Games, sabi ni Ramirez na ipauubaya niya ang hula sa iba’t ibang National Sports Associations (NSAs).

Ang Team Philippines ay humukay ng kabuuang 113 golds, 84 silvers at 94 bronze medals noong 2005 edisyon.

vuukle comment

WILLIAM RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with