Diaz tumanggap ng P2M ayuda sa Phoenix
MANILA, Philippines — Tumataginting na P2 milyon ang ibibigay na sponsorship kay Asian Games gold medalist Hidilyn Diaz para sa paghahanda nito sa 2020 Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan.
Nilagdaan kahapon ng Philippine Sports Commission at Phoenix Petroleum Philippines ang memorandum agreement para suportahan ang tangka ni Diaz na masungkit ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics.”
“She’ll be getting package amounting to P2 million initially. Sen. (Christopher Lawrence) Bong Go initiated the project for Hidilyn. From PSC, Hidilyn is getting P48,000 a month allowance plus housing and food, coach and foreign training allowance,” ani PSC chairman William “Butch” Ramirez.
Nauna nang ibinuhos ni Diaz ang ngitngit nito sa social media kung saan nanawagan itong suportahan ang kanyang training program.
Ngunit agad namang sumagot si Ramirez na iginiit na suportado ng ahensiya si Diaz.
Sinabi ni Ramirez na nakapaglabas na ito ng P4.5 milyon para sa training ni Diaz sa China. Ang PSC rin ang gumagastos sa monthly salary at food allowance ng kanyang coach na si Julius Kaiwen Gao.”
Noong Abril, wagi si Diaz ng tatlong pilak sa 2019 Asian Weightlifting Championship sa China.
- Latest