^

PSN Palaro

SMB sa semis na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
SMB sa semis na
Dinakdakan ni Prince Ibeh ng NorthPort si Arwind Santos ng SMB.
Jun

MANILA, Philippines — Iniluklok ng mga Beermen ang sarili sa dapat nilang kalagyan.

Nalampasan ng No. 7 San Miguel ang pagba­ngon ng No. 2 NorthPort mula sa 16-point deficit sa final canto para itakas ang 90-88 panalo at itiklop ang kanilang quarterfinals match papasok sa semifinal round ng 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nauna nang kinuha ng Beermen ang 98-84 panalo bago sibakin ang Batang Pier, nagdala ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

“We’ve got to focus in practice. Get locked in and be ready for the semifinals,” sabi ni import Chris McCullough, humakot ng 31 points, 11 rebounds, 4 blocks, 3 steals at 1 assist.

Lalabanan ng San Mi­guel ang mananaig sa best-of-three quarterfinals wars ng No. 3 Blackwater at No. 6 Rain or Shine para sa best-of-five semifinals series.

Matapos kunin ng NorthPort ang 33-25 abante mula sa basket ni Mo Tautuaa ay naglunsad ang San Miguel ng 12-0 atake para agawin ang 37-33 bentahe sa second quarter.

Itinuloy ng Beermen ang kanilang pananalasa sa pagtatayo ng 16-point lead, 79-63 mula sa three-point shot ni McCullough sa huling 8:45 minuto ng final canto.

Muli namang napasakamay ng Batang Pier ang 86-82 kalamangan mula sa tres ni Sean Anthony sa huling 1:51 minuto nito.

Ang triple at fastbreak layup ni Arwind Santos ang nagbigay sa San Miguel ng 87-86 abante sa natitirang 1:23 minuto ng laro kasunod ang drive ni rookie Robert Bolick para ibalik ang NorthPort sa itaas, 88-87  sa huling 31.6 segundo  kung saan ‘di na sila na­kabalik pa.

vuukle comment

BASKETBALL

BEERMEN

PBA COMMISSIONER’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with