^

PSN Palaro

Durant inayawan ang $31.5M alok ng Warriors

Pilipino Star Ngayon
Durant inayawan ang $31.5M alok ng Warriors
Tinanggihan ng Warriors superstar ang kanyang player option na nagkakahalaga ng $31.5 milyon para maging isang unrestricted free agent.
AFP

OAKLAND, California — Tila gustong subukan ni Kevin Durant ang free agency market.

Tinanggihan ng Warriors superstar ang kanyang player option na nagkakahalaga ng $31.5 milyon para maging isang unrestricted free agent.

Ipinaalam ni Durant, sa pamamagitan ng kanyang business manager na si Rich Kleiman, ang kanyang desisyon kay Golden State boss Bob Myers.

Sa kabila nito ay bukas pa rin si Durant na muling maglaro para sa Warriors bagama’t handa siyang kunin ng New York Knicks, Brooklyn Nets at Los Angeles Clippers.

Nagrerekober ang 30-anyos na si Durant mula sa torn Achilles injury na nangyari sa NBA Finals laban sa Toronto Raptors.

Maaari siyang pumirma ng isang five-year contract at tumanggap ng mas malaking suweldo kung mananatili siya sa Golden State imbes na lumipat sa ibang koponan na mag-aalok lamang sa kanya ng four-year deal.

Samantala, tinanggap ni veteran center Marc Gasol ang one-year player option para muling maglaro para sa Raptors sa susunod na season.

Ang nasabing kontrata ay nagkakahalaga ng $25.6 milyon para sa final year na pinirmahan  noong Pebrero.

vuukle comment

KEVIN DURANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with