^

Banat Palaro

Laguna Prov. hari ng BP Luzon Leg

Russell Cadayona - Banat

ILAGAN CITY, Isabela, Philippines — Nagtapos na ang dominasyon ng Baguio City.

 Hinubaran ng Laguna Province ng korona ang Baguio City matapos kumolekta ng kabuuang 38 gold, 35 silver at 36 bronze medals para sa overall crown ng Luzon leg sa pagtiklop ng 2019 Philippine Sports Commission-Batang Pinoy kahapon dito sa Ilagan Sports Complex.

Nagkampeon ang Baguio City noong 2016 at 2017 Batang Pinoy Luzon leg at sa National Finals noong nakaraang taon na kanilang pinangasiwaan.

Nagdagdag ng ginto ang Laguna Province sa athletics mula kay James Bryle Ballester sa boys’ 800m run (2:06.3) at sa girls’ 4x400m relay team (4:17.0) nina Magvrylle Matchino, Janine Dauba, Evita Belloso at  Kyla Elona.

Sumegunda ang Baguio City (36-47-60) kasunod ang Quezon City (24-19-11), Pangasinan Province (23-24-26), Pasig City (22-24-27), Taguig City (19-17-28), Dasmarinas, Cavite (18-10-15), Dagupan City (16-12-11), Muntinlupa (14-8-5) at Makati City (13-8-15).

Matapos ang Min­da­nao, Visayas at Luzon qualifying legs ay itatakda naman ang 2019 Batang Pinoy National Finals sa Oktubre na pinag-aagawan ng Tagbilaran City, Bohol at Ormoc City, Leyte.

 

vuukle comment

BP LUZON LEG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with