^

PSN Palaro

Team Pilipinas nakatutok sa misyon

Pilipino Star Ngayon
Team Pilipinas nakatutok sa misyon
Unang tatargetin ng Gilas Pilipinas ang Qatar sa larong idaraos sa Doha sa Huwebes kasunod ang Kazakhstan sa Astana sa Linggo.
facebook

MANILA, Philippines — Kailangang manalo ng Gilas Pilipinas sa dalawang huling nalalabing laban nito sa Asian qualifiers upang mapalakas ang tsansang makapasok sa FIBA World Cup.

Ngunit ayaw ni head coach Yeng Guiao na magpadala sa pressure upang hindi maapektuhan ang laro ng kanyang bataan.

Unang tatargetin ng Gilas Pilipinas ang Qatar sa larong idaraos sa Doha sa Huwebes kasunod ang Kazakhstan sa Astana sa Linggo.

Kung papalaring manalo sa dalawang laro, awto­matikong makukuha ng Pilipinas ang isa sa pitong puwestong nakataya sa Asia-Pacific region at mu­ling masisilayan ang bandila ng bansa sa World Cup na gaganapin sa Agosto 15 hanggang Setyembre 15 sa China.

Kasalukuyang nasa ika­-apat na puwesto ang Pilipinas sa Group F tangan ang 5-5 rekord.

Nangunguna ang Australia na may 9-1 marka para masungkit ang unang silya sa World Cup.

Pumapangalawa ang Iran (7-3) kasunod ang Japan (6-4) habang ikalima ang Kazakhstan (4-6) at ikaanim ang Qatar (2-8).

Sibak na ang Qatar.

Kaya’t naiwan ang pukpukan sa Iran, Japan, Phi­lippines at Kazakhstan para sa mga nalalabing silya.

Kahit eliminated na ang Qatar, walang puwang para sa Gilas Pilipinas na maging kumpiyansa dahil siguradong lalaban ito sa harap ng kanilang kababayan at upang mapaganda ang kanilang rekord sa pagtatapos ng torneo.

“It would help us if we just relax and not put too much pressure on ourselves. We only demand their best and let the results take care of themselves,” ani Guiao.

Tiwala si PBA commissioner Willie Marcial sa magiging kampanya ng Gilas Pilipinas.

Mismong si Guiao na ang nagbigay katiyakan na malaki ang tsansa ng Pilipinas sa mga nalalabi nitong laro lalo pa’t nasa magandang kundisyon si naturalized player Andray Blatche.

vuukle comment

FIBA WORLD CUP

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with