^

PSN Palaro

Batang Pier sososyo sa liderato

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Batang Pier sososyo sa liderato
Magtutuos ang Batang Pier at Columbian Dyip ngayong alas-4:30 ng hapon at sasagupain ng Beermen ang Bolts sa alas-7 ng gabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.
Miguel De Guzman

Laro Ngayon(Ynares Center, Antipolo City)

4:30 p.m. Columbian vs NorthPort

7 p.m. Meralco vs SMB

MANILA, Philippines — Hangad ng NorthPort ang kanilang ikatlong sunod na pananalasa para makasosyo sa liderato habang ang pangalawang dikit na panalo ang kapwa target ng four-time cham­pions San Miguel at Meralco.

Magtutuos ang Batang Pier at Columbian Dyip ngayong alas-4:30 ng hapon at sasagupain ng Beermen ang Bolts sa alas-7 ng gabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Itinala ng NorthPort ni coach Pido Jarencio ang kanilang ikalawang dikit na arangkada matapos talunin ang Blackwater Elite, 95-90  tampok ang 22 points, 9 rebounds at 5 assists ni Sean Anthony.

Nabigo naman ang Columbian ni mentor Johnedel Cardel na maiposte ang 2-0 panimula matapos yumukod sa Phoenix, 98-108  kung saan nalimitahan si No. 1 overall pick CJ Pe­rez sa 10 points matapos humataw ng 26 markers sa kanilang 124-118 paggitla sa San Miguel.

“We’re not that strong yet. If we play together malakas kami. If not, wala kaming chance manalo,” wika ni Cardel sa kanyang Dyip na muling aasahan sina Perez, Rashwan McCarthy, Jackson Corpuz at Eric Camson.

Sina Anthony, Stanley Pringle, Moala Tautuaa at No. 3 overall selection Robert Bolick ang itatapat naman ng Batang Pier.

vuukle comment

BATANG PIER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with