^

PSN Palaro

Perlas Spikers pumuwesto na sa Final 4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Perlas Spikers pumuwesto na sa Final 4
Umarangkada ng husto para sa Perlas Spikers si open hitter Amanda Villanueva na naglista ng 17 attacks, tatlong aces at dalawang blocks kasama ang 15 excellent receptions para buhatin ang kanilang tropa sa ikasiyam na panalo sa 12 laro.
www.facebook.com/premiervolleyballleague

MANILA, Philippines — Matikas na pinagbagsak ng BanKo Perlas ang dating kampeong Pocari-Air Force, 27-25, 19-25, 25-16, 25-20 upang makahirit ng silya sa Final Four ng Premier Volleyball League Season 2 Open Confe­rence kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Umarangkada ng husto para sa Perlas Spikers si open hitter Amanda Villanueva na naglista ng 17 attacks, tatlong aces at dalawang blocks kasama ang 15 excellent receptions para buhatin ang kanilang tropa sa ikasiyam na panalo sa 12 laro.

Makakasama ng BanKo Perlas sa semis ang nangungunang A­te­neo de Manila University na may 10-3 kartada.

Masuwerte ang Perlas Spikers na pumutok si Villanueva dahil wala si starting outside hitter Nicole Tiamzon na nagpapaga­ling sa kanyang injury habang hindi rin kagandahan ang laro ni Dzi Gervacio.

“I think it’s about trusting each other and playing as one. Having a unified goal and that is to be a part of the Final Four I think that’s more than enough. Kapag nagta-trust sayo ang teammates mo it (consistency) will come. Hindi mo na kailangan ipilit,” ani Villanueva.

Nakatuwang ni Villa­nueva sa opensa sina middle hitters Joy Dacoron at Ka­t Bersola gayundin si opposite spiker Sue Roces na nagbigay ng ilang  importanteng puntos sa fourth set.

Nanganganib na masibak ang Lady Warriors na nahulog sa 5-7 baraha.

Kinakailangan ng Lady Warriors na maipanalo ang kanilang dalawang huling laro at umasa na matalo ang Petro Gazz (6-5) sa mga susunod na laban para mapalakas ang kanilang tsansa sa semis.

vuukle comment

BANKO PERLAS

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with