^

PSN Palaro

Ateneo ‘di papayag na mahulog sa unahan

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Ateneo �di papayag na mahulog sa unahan
Umarangkada ng tatlong sunod na panalo ang Ateneo kaya mataas ang kanilang morale sa pagtatagpo nila ng National University Bulldogs sa alas-2 ng hapon.
File

MANILA, Philippines — Malakas ang kumpiyansa ng nagdedepensang Ateneo Blue Eagles sa kanilang pagharap laban sa National University Bulldogs sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Umarangkada ng tatlong sunod na panalo ang Ateneo kaya mataas ang kanilang morale sa pagtatagpo nila ng National University Bulldogs sa alas-2 ng hapon.

Sa isa pang laro, gusto naman ng Green Archers na gumanti sa kanilang  talo sa first round ng elims sa mga kamay ng Far Eastern University Tamaraws sa kanilang pagtutuos sa alas-4 ng hapon.

Tinambakan ng Blue Eagles ang Bulldogs, 72-46 sa una nilang pagtatagpo noong Sept. 22 sa pangu­nguna nina Thirdy Ravena, Anton Asistio at Matt Nieto.

Sa naturang laro, nag-ambag sina Ravena, Asistio at Nieto ng 29 puntos at kabuuang 15 rebounds para sa kanilang malaking 26 puntos winning margin.

Bukod sa tatlo, sasandal din si coach Tab Baldwin kina  Angelo Kouame, Raffy Verano, Jolo Mendoza, Gian Mamuyac at Isaac Go.

Itatapat naman ni coach Jamike Jarin ang magkapatid na sina Sean at Dave Ildefonso, Fil-Am Troy Rike, John Clemente, Jess Diputado at Joshua Sinclair laban sa Blue Eagles.

Tinalo ng Tamaraws ang Green Archers, 68-61 sa first round ng elims noong Sept. 9 kaya asam ni coach Louie Gonzales na bumawi sa pamamagitan nina Kib Montalbo, Florencio Serrano, Santi Santillan, Aljun Melecio at  Andrei Caracut.

Ang Green Archers ay tumuntong sa solo third spot sa  5-4 card sa likuran ng nangungunang Ateneo (8-2) at Adamson Falcons (7-2).

vuukle comment

ATENEO BLUE EAGLES

SEASON 81 UAAP MEN’S BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with