^

PSN Palaro

Letran biyaheng final 4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Letran biyaheng final 4
Napanatili ni Larry Mu­yang ang intensidad nito matapos magtala ng double-double na 15 points at 13 rebounds para buhatin ang Knights sa 12-4 baraha at samahan ang San Beda University (14-1) at Lyceum (14-2) sa semis.
Jun Mendoza

Laro Bukas(Filoil, San Juan)

2 p.m.- LPU vs CSB (Srs)

4 p.m.- AU vs SBU (Srs)

Perpetual Help Nakasiguro Ng Playoff

MANILA, Philippines — Isang malakas na pu­wersa ang inilatag ng Colegio de San Juan de Letran sa huling kanto upang kub­rahin ang 79-61 desisyon na nagdala sa kanila sa Final Four ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Napanatili ni Larry Mu­yang ang intensidad nito matapos magtala ng double-double na 15 points at 13 rebounds para buhatin ang Knights sa 12-4 baraha at samahan ang San Beda University (14-1) at Lyceum (14-2) sa semis.

Naramdaman din ang puwersa nina Bonbon Batiller na umani rin ng parehong 15 puntos gayundin sina Nico Galvelo na may 14 markers at Chris Fajarito na nagdagdag ng 11points.

“Thankful kami na nasa ganitong sitwasyon kami. We have two more games before the Final Four so kailangan muna naming mag-focus sa remaining games namin,” wika ni Letran mentor Jeff Napa.

Nakalugmok pa rin ang Stags sa ilalim ng standing bitbit ang 4-12 baraha.

Nanguna para sa San Sebastian si Michael Ca­lisaan na umiskor ng 16 puntos.

Naitarak ng Letran ang 42-25 bentahe sa pagtatapos ng first half.

Ngunit naglunsad ng matikas na atake ang San Sebastian sa third quarter nang pamunuan ni Ilagan ang ratsada kasama sina Calisaan at Sumoda para maibaba sa pito ang bentahe ng Letran, 52-59.

Pero hindi hinayaan ng Knights na makaariba ng husto ang kanilang karibal nang pasabugin nito ang 20-9 bomba sa huling kanto para tuluyang angkinin ang panalo.

Nagtala ng kabuuang 27 assists ang Letran – ang pinakamaraming assists sa season na ito habang naging armas din ng tropa ang long-range shot nito matapos kubrahin ang 12 three-pointers tampok ang tig-apat nina Batiller at Galvelo.

Sa pag-entra ng Letran sa semis, maiiwan ang bakbakan para sa huling Final Four slot sa pagitan ng University of Perpetual Help System Dalta at College of Saint Benilde.

Sa ikalawang laro, namayani ang Perpetual Help sa Emilio Aguinaldo College, 81-67 upang makasiguro ng playoff para sa huling Final Four slot.

Bumira si Kim Aurin ng career-high 26 points para tulungan ang Altas na sumulong sa 11-5 rekord – isang panalo na lamang para maipormalisa ang pag-entra sa semis.

Bagsak sa 4-13 ang Generals.

vuukle comment

NCAA SEASON 94 MEN’S BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with