^

PSN Palaro

Phelps bumida uli sa fuel masters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Phelps bumida uli sa fuel masters
Humakot si Phelps ng 36 points, 20 rebounds at 4 blocks para pangunahan ang Phoenix sa 95-82 panalo laban sa Magnolia at solohin ang ikalawang puwesto sa 2018 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Jun Mendoza

Hotshots inilaglag

MANILA, Philippines — Isa na naman itong ordinaryong araw para kay import Eugene Phelps.

Humakot si Phelps ng 36 points, 20 rebounds at 4 blocks para pangunahan ang Phoenix sa 95-82 panalo laban sa Magnolia at solohin ang ikalawang puwesto sa 2018 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang pangatlong su­­nod na arangkada ng koponan ni head coach Louie Alas.

Diniskaril ng Fuel Masters ang pagtatayo ng Hotshots ng 3-0 record para sa kanilang 5-1 kartada sa ilalim ng nangungunang Blackwater Elite (4-0) kasunod ang nagdedepensang Ginebra Gin Kings (3-1) at Alaska Aces (3-1).

“We were able to put a clamp on their offensive guys especially in the third quarter,” wika ni Alas.

Nagdagdag si Matthew Wright ng 13 markers kasunod ang 12 ni Justin Chua at tig-9 nina Calvin Abueva, LA Revilla at RJ Jazul, ayon sa pagkakasunod.

Matapos isara ang third period bitbit ang four-point lead, 71-67 ay isang 11-5 atake ang inilunsad ng Phoenix para iposte ang 10-point advantage, 82-72 laban sa Magnolia mula sa split ni Abueva sa 5:33 minuto ng fourth quarter.

Ang follow-up ni rookie Jason Perkins sa natitirang 40.2 segundo ang nagbigay sa Fuel Masters ng komportableng 93-80 kalamangan para selyuhan ang kanilang panalo sa Magnolia.

Binanderahan ni import Romeo Travis ang Hotshots mula sa kanyang 28 points at 15 boards kasunod ang tig-11 markers nina Ian Sangalang, Mark Barroca at Jio Jalalon.

Bago ito ay dinomina ng Phoenix ang first quarter, 30-19 hanggang makatabla ang Magnolia sa halftime, 48-48.

Huling naglaro ang Hotshots noong Setyembre 1 kung saan nila dinaig ang NorthPort Batang Pier, 104-87 para sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

vuukle comment

EUGENE PHELPS

PHOENIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with