^

PSN Palaro

Ginebra gustong maging lider vs NorthPort

Pilipino Star Ngayon
Ginebra gustong maging lider vs NorthPort
Lalarga ang duwelo ng Gin Kings at Batang Pier sa alas-7 ng gabi habang parehong magtatangkang makuha ang ikalawang sunod na panalo ng San Miguel Beer at Blackwater sa alas-4:30 ng hapon.
PBA Images/File

Laro Ngayon (Big Dome)

4:30pm SMB vs Blackwater

7pm Ginebra vs NorthPort

MANILA, Philippines — Target ng nagdedepensang Barangay Ginebra na masolo ang liderato sa pagsagupa nito sa NorthPort ngayong araw sa pagpapatuloy ng PBA Season 43 Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Lalarga ang duwelo ng Gin Kings at Batang Pier sa alas-7 ng gabi habang parehong magtatangkang makuha ang ikalawang sunod na panalo ng San Miguel Beer at Blackwater sa alas-4:30 ng hapon.

Nakatali ang Ginebra sa two-way tie sa No. 1 spot kasama ang Magnolia tangan ang magkatulad na 2-0 baraha habang wala pa ring talo ang SMB at Blackwater na kapwa may 1-0 marka.

Galing ang Gin Kings sa panalo sa Columbian Dyip (96-84) at Alaska (109-101).

Subalit haharap ang Ginebra sa Northport na gigil na makabangon mula sa 0-3 pagkakalugmok.

Magbabalik na sa Ba­tang Pier si Stanley Pringle na naging bahagi ng national team na nagtapos sa ikalimang puwesto sa 18th Asian Games na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Lalaro na rin si Sean Anthony kaya’t ibang Batang Pier ang masisilayan sa pagkakataong ito.

Ibabandera ng Gin Kings si import Justin Brownlee na may impresibong ave­rages na 39.5 points, 15.5 rebounds at 7.0 assists sa dalawang laro. (CCo)

vuukle comment

PBA SEASON 43 GOVERNORS’ CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with