^

PSN Palaro

MVP tinapik si Guiao na Gilas coach

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
MVP tinapik si Guiao na Gilas coach
Bagama’t kinulang sa panahon ay nagawa pa rin ni Guiao na maihatid ang Nationals sa fifth place finish sa naturang quadrennial event matapos ang seven-place finish ng tropa ni mentor Chot Reyes noong 2014 sa Incheon, Korea.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Bukod sa mga Filipino fans ay humanga rin si businessman/sportsman Manny V. Pangilinan sa paggiya ni national head coach Yeng Guiao sa Phi­lippine team sa katatapos na 18th Asian Games sa Indonesia.

Bagama’t kinulang sa panahon ay nagawa pa rin ni Guiao na maihatid ang Nationals sa fifth place finish sa naturang quadrennial event matapos ang seven-place finish ng tropa ni mentor Chot Reyes noong 2014 sa Incheon, Korea.

Dahil dito ay kumbinsido si Pangilinan, ang chairman emeritus ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, na ipalit si Guiao kay Reyes bilang coach ng Gilas Pilipinas para sa darating na fourth window ng 2019 FIBA Asia World Cup Qualifiers.

“What do you think? I think so, too,” sabi ni Pa­ngilinan sa mga repor­ters matapos ang panalo ng TNT Katropa laban sa Columbian sa 2018 PBA Go­vernor’s Cup noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon sa PLDT boss, kinausap na niya si Reyes para sa paghalili sa kanya ni Guiao at payag naman ang national mentor.

“I think so. For the country. Nag-usap na kami,” wika ni Pangilinan kay Reyes, pinatawan ng one-game suspension ng FIBA dahil sa ‘basketbrawl’ sa pagitan ng Gilas at Australia noong Hulyo 2 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Para sa fourth window ng FIBA Asian Qualifiers ay plano ni Guiao na panatilihin ang kanyang coaching staff na sina assistant coaches Caloy Garcia, Ryan Gregorio, Ford  Arao, Matt Makalintal at Ricky Umayam.

Si Gregorio, dating coach sa PBA, ay hinirang ni SBP president Al Panlilio bilang kanyang special assistant.

vuukle comment

MANNY V. PANGILINAN

YENG GUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with