^

PSN Palaro

TNT tinakasan ang Dyip sa OT

Pilipino Star Ngayon
TNT tinakasan ang Dyip sa OT
Nagsanib-puwersa sina Jayson Castro at Terrence Romeo na parehong bumato ng apat na three-pointers para pamunuan ang Katropa na maikonekta ang ikalawang panalo sa anim na laro.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Nalusutan ng Talk ‘N Text ang matikas na hamon ng Columbian Dyip nang iselyo nito ang 118-114 overtime win upang ma­kabalik ang Katropa sa win column ng PBA Season 43 Governors’ Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nagsanib-puwersa sina Jayson Castro at Terrence Romeo na parehong bumato ng apat na three-pointers para pamunuan ang Katropa na maikonekta ang ikalawang panalo sa anim na laro.

Humakot si Castro ng 25 puntos, pitong assists at anim na rebounds habang nagtala naman si Romeo ng 22 markers at anim na assists.

Kumana naman si Ro­ger Pogoy ng double-double na 16 points at 12 rebounds kasama ang apat na assists at apat na steals samantalang nagdagdag si Anthony Semerad ng 15 at import Stacy Davis ng 11 points.

“Mahirap, hindi pwedeng sabihin na Columbian lang ‘yan. Mahirap pero thankful ako na nakuha namin ang panalo,” ani Katropa interim coach Eric Gonzales na pansamantalang humalili kay TNT head coach Nash Racela.

Bigo pa rin ang Columbian Dyip na makaharurot nang lasapin nito ang ikalimang sunod na kabiguan.

Hindi na naman napakinabangan ang 26 puntos ni Jerramy King. (CCo)

vuukle comment

PBA SEASON 43 GOVERNORS’ CUP

TERRENCE ROMEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with