^

PSN Palaro

Magnolia giniba ang NorthPort

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Magnolia giniba ang NorthPort
Balanseng ratsada ang inilatag ng Hotshots para kubrahin ang kanilang ikalawang sunod na panalo.
File Photo

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

4:30pm Columbian Dyip vs TNT

6:45pm Alaska vs Ginebra

MANILA, Philippines — Nilunod ng Magnolia ang NorthPort sa pamamagitan ng 104-87 pagbaon upang manatiling malinis ang kanilang rekord sa PBA Season 43 Governors’ Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Balanseng ratsada ang inilatag ng Hotshots para kubrahin ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Nagsilbing lider si Mark Barroca na tumipa ng 20 puntos mula sa 8-of-11 shooting kasama ang limang steals at tatlong assists habang matikas din ang inilaro ni Rome Dela Rosa na umiskor naman ng 17 markers, dalawang assists at isang board.

Isang all-around game rin ang inilabas ni Romeo Travis na nagrehistro ng 14 puntos, 22 rebounds, pitong steals at tatlong assists samantalang sumuporta si Jio Jalalon na naglista ng 13 markers at walong assists sa panig ng Hotshots.

“Sa first half hirap na hirap kami sa zone nila. Good thing nakapag-adjust kami agad sa second half maganda yung ipinakita ng mga bata. Kailangan na­ming mag-double ng effort dahil nabawasan kami ng key players pero I’m happy sa output ng guards namin,” pahayag ni Magnolia head coach Chito Victolero.

Sinamantala ng Hotshots ang 27 turnovers ng Batang Pier para ma­kagawa ng 41 puntos mula sa mga naturang pagkakamali.

Halimaw din ang Magnolia sa shaded area nang makakuha ito ng 24 offensive rebound at mai-convert ito sa 23 second chance points.

Bumandera para sa Batang Pier si Rashad Woods na naglista ng 25 puntos subalit nakagawa ito ng pitong turnovers.

Bumanat din ng 20 markers si Paolo Taha samantalang may tig-10 sina Jonathan Grey at Joseph Gabayni para sa NorthPort na lumubog sa 0-3 baraha.

Magnolia 104 - Barroca 20, Dela Rosa 17, Travis 15, Jalalon 13, Reavis 8, Simon 8, Herndon 8, Melton 4, Brondial 4, Ramos 3, Mendoza 0, Gamalinda 0, Pascual 0, Abundo 0.

NorthPort 87 - Woods 25, Taha 22, Grey 10, Gabayni 10, Tautuaa 9, Guinto 6, Javelona 3, Fortuna 2, Espinas 0, Arana 0, Flores 0.

Quarterscores:  27-12, 48-39, 75-62, 104-87. 

vuukle comment

PBA SEASON 43 GOVERNORS’ CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with