^

PSN Palaro

Alaska, Phoenix asinta ang ika-2

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Alaska, Phoenix asinta ang ika-2
Lalarga ang Aces kontra sa Talk ‘N Text sa alas-4:30 ng hapon habang aariba naman ang Batang Pier laban sa Phoenix sa alas-6:45 ng gabi.
File Photo

Laro Ngayon (Smart Araneta)

4:30pm Alaska vs TNT

6:45pm Northport vs Phoenix

MANILA, Philippines — Parehong puntirya ng Alaska at Phoenix ang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa magkaibang karibal ngayong hapon sa PBA Season 43 Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Lalarga ang Aces kontra sa Talk ‘N Text sa alas-4:30 ng hapon habang aariba naman ang Batang Pier laban sa Phoenix sa alas-6:45 ng gabi.

Nakatali ang Alaska at Phoenix sa four-way tie sa unahan ng standings kasama ang Magnolia at Blackwater tangan ang pare-parehong 1-0 baraha.

Pinataob ng Aces ang Meralco sa pamamagitan ng 80-72 desisyon.

Kaya naman mataas ang moral ng Alaska na harapin ang TNT na galing sa 98-104 kabiguan sa Blackwater noong Biyernes.

“Good teams sometimes have bad games too. It  happens to everyone, but they (TNT) are incredibly dangerous and the PBA knows that. You haven’t seen the best of our import,” ani Aces mentor Alex Compton.

Hahataw para sa Aces si dating NBA player Mike Harris na may 23 points at 15 rebounds sa kanyang debut sa tropa.

Ngunit tatapatan ito ng Katropa sa pangunguna ni import Stacy Davis na may sariling double-double na 23 points at 16 rebounds sa kanilang huling laro.

Makakasama nito sina Jayson Castro, Terrence Romeo, Roger Pogoy at Jericho Cruz gayundin sina Troy Rosario, Kelly Williams at Ryan Reyes.

Sa kabilang banda, ga­ling ang Phoenix sa 113-107 panalo sa Columbian Dyip kung saan nagpasa­bog si import Eugene Phelps ng 50 points, 17 rebounds at walong blocks.

vuukle comment

PBA SEASON 43 GOVERNORS’ CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with