^

PSN Palaro

Altas may misyon sa Heavy Bombers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Altas may misyon sa Heavy Bombers
Tinaasan ng kamay ni Miguel Bonalos ng Staglets ang patirang si Jearico Nuñez ng Junior Altas sa huling laban ng Perpetual Help sa NCAA.

MANILA, Philippines — Hangad ng University of Perpetual Help System Dalta na makisalo sa No. 3 spot sa pakikipagtipan nito sa Jose Rizal University sa pagpapatuloy ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Altas at Heavy Bombers sa alas-4 matapos ang bakbakan ng College of Saint Benilde at Emilio Aguinaldo College sa alas-2.

Nasa ikaapat na puwesto ang Perpetual Help tangan ang 3-2 marka habang nangunguna ang Lyceum of the Philippines (7-0), San Beda University (5-0) at Colegio de San Juan de Letran (4-2).

Inaasahan ang pagputok ni Nigerian Prince Eze na siyang umiskor ng game-winning shot para dalhin ang Altas sa 78-76 panalo kontra sa San Sebastian College-Recoletos noong Huwebes sa UPHSD Gym sa Las Piñas.

Nakalikom si Eze ng kabuuang 22 puntos sa naturang laro kasama ang siyam sa fourth quarter. Humatak din ang 6-foot-9 center ng 18 rebounds at kumana ng anim na blocks.

“We need him to come up big for us every game and help open up a bit for the other guys,” ani Perpetual Help coach Frankie Lim.

Nangunguna si Eze sa rebounding (16.8) at b­locking (5.6) habang ikaa­nim ito sa scoring (15.4).

Makakasagupa ng Perpetual Help ang Jose Rizal na nananatiling naghahanap ng unang panalo matapos lumasap ng anim na sunod na kabiguan.

Sa kabilang banda, mataas ang moral ng EAC na galing sa dalawang sunod na panalo.

Malakas na puwersa ang nanggagaling kay Cameroonian Hamadou Laminou na may 17-point, 12-board at 6-block effort sa 89-85 panalo ng Generals sa Mapua University noong Biyernes.

Ang panalo ang nag-angat sa EAC sa 2-4 marka.

vuukle comment

NCAA SEASON 94

PERPETUAL HELP SYSTEM DALTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with