^

PSN Palaro

MPBL kinansela ang laro

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
MPBL kinansela ang laro
Ang mga nakanselang laro ay ang laban ng Mandaluyong El Tigre at San Juan Knights at ng Valenzuela Classics at Gen. Santos Warriors.

MANILA, Philippines — Hindi natuloy ang dalawang laro ng MPBL Datu Cup na nakatakda sanang idaos sa Valenzuela City Astrodome dahil sa patuloy na paglakas ng ulan na nagpabaha halos sa buong  Metro Manila noong Sabado.

Ang mga nakanselang laro ay  ang laban ng Mandaluyong El Tigre at San Juan Knights at ng Valenzuela Classics at Gen. Santos Warriors.

Sinabi ni MPBL commissioner Kenneth Duremdes na gaganapin ang mga nasabing laro pagkatapos ng elimination round.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na ang MPBL ay nagkansela ng double-header game dahil sa masamang panahon.

Ayon pa kay Duremdes, ang service bus ng mga nasabing koponan ay na-stranded sa baha habang patungo sa venue kaya nagpasya ang MPBL na hindi na lang ituloy ang double-header games. 

Samantala, tuloy naman ang dalawang laro bukas na gaganapin sa Strike Gym sa Bacoor City, Cavite kabilang na ang laro ng Cebu City at Davao Occidental sa alas-7 ng gabi at ng host Bacoor Strikers at Laguna Heroes sa alas-9 ng gabi.

 

vuukle comment

KENNETH DUREMDES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with