^

PSN Palaro

PBA, SBP tatalakayin ang plano para sa 2019 FIBA World Cup

Pilipino Star Ngayon
PBA, SBP tatalakayin ang plano  para sa 2019 FIBA World Cup
Wala pang nahihirang ang national cage federation na tatayong head coach at maging ang komposisyon ng Gilas Pilipinas matapos patawan ng suspensyon ng FIBA dahil sa rambulan ng Nationals sa-Australia noong Hulyo 20 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

MANILA, Philippines — Magpupulong ang Sa­mahang Basketbol ng Pilipinas at Philippine Basketball Association sa Martes para pag-usapan ang kanilang mga plano sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Wala pang nahihirang ang national cage federation na tatayong head coach at maging ang komposisyon ng Gilas Pilipinas matapos patawan ng suspensyon ng FIBA dahil sa rambulan ng Nationals sa-Australia noong Hulyo 20 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Tatalakayin ng PBA board kasama si Meralco governor Al Panlilio, ang SBP president, ang kanilang susunod na hakbang bago magtungo sa Jakarta, Indonesia para suportahan ang Philippine team laban sa Kazakhstan sa Huwebes sa 18th Asian Games.

Sinuspinde ng FIBA sina naturalized center Andray Blatche, Japeth Aguilar, Troy Rosario, RR Pogoy, Jayson Castro, Terrence Romeo, Calvin Abueva, Matthew Wright, Carl Bryan Cruz at Jio Jalalon at hindi makakalaro sa pagsagupa ng Nationals sa Iran sa Setyembre 13 sa FIBA  Asian Qualifiers.

Ang mga tanging natira lamang sa koponan ay sina June Mar Fajardo, Gabe Norwood at Baser Amer.

Tiniyak ni PBA Commissioner Willy Marcial ang pagsuporta ng PBA Board sa SBP.

Katunayan ay binago ng PBA ang kanilang season schedule para bigyang-daan ang mga Gilas games.

Magsisimula ang 2018 PBA Governors’ Cup sa Agosto 17, ngunit pansamantalang ititigil ang mga laro para sa September window ng FIBA games.

vuukle comment

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

SA­MAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with