^

PSN Palaro

Arellano asam ang buwenamano vs EAC

Pilipino Star Ngayon
Arellano asam ang buwenamano vs EAC
Dalawang beses naantala ang debut game ng Chiefs matapos makansela ang mga laro dahil sa masamang panahon.

MANILA, Philippines — Sisimulan ng Arellano University ang kam­panya nito sa pakikipagtipan sa Emilio Aguinaldo College ngayong hapon sa pagbabalik-aksiyon ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa Arellano University Gym sa Legarda, Manila.

Dalawang beses naantala ang debut game ng Chiefs matapos makansela ang mga laro dahil sa masamang panahon.

Kaya naman sabik na ang Arellano na masilayan sa aksiyon dahil sa pagkakataong ito, makakasagupa ng Chiefs ang Gene­rals sa kanilang teritoryo sa alas-4 ng hapon.

Una sanang makakalaban ng Arellano ang San Beda University noong Hulyo 10 at ang University of Perpetual Help System Dalta noong Hulyo 16 ngunit pareho itong nakansela dahil sa masamang panahon.

“The boys are excited and eager to play this season,” wika ni Arellano head coach Jerry Codiñera.

Hindi nakapag-ensayo ang Chiefs sa nakalipas na mga araw ngunit umaasa si Codiñera na hindi kakalawangin ang kanyang bataan.

 Wala sa tropa si Kent Salado na nagtamo ng season-ending injury kaya’t sasandalan ng Chiefs sina Michael Canete, Rence Luis Alcoriza, Levi dela Cruz, Archie Concepcion at Elie Ongolo Ongolo.

Makakasagupa ng Arellano ang EAC na ga­ling sa 97-106 kabiguan sa Lyceum of the Philippines noong Biyernes. (CCo)

vuukle comment

ARELLANO UNIVERSITY

NCAA SEASON 94 MEN’S BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with