^

PSN Palaro

‘Pag nakasilip ng knockout, pakakawalan ko na—Pacman

Pilipino Star Ngayon
�Pag nakasilip ng knockout, pakakawalan ko na�Pacman
Ayon kay Pacquiao, kung may tsansa hindi niya palalampasin ang pagkakataon na manalo ng knockout na matagal na rin niyang hinihintay.
AFP/ Mohd Rasfan

MANILA, Philippines — Hindi rin isinantabi ni boxing Icon Manny Pacquiao ang panalo via knockout sa 12-round na labanan nila ni Lucas Matthysse para sa World Bo­xing Association (WBA) welterwieght title bout sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayon.

Ayon kay Pacquiao, kung may tsansa hindi niya palalampasin ang pagkakataon na manalo ng knockout na matagal na rin niyang hinihintay.

“Our plan is to move side-to-side and throw a lot of punches,” pahayag ni Pacquiao sa mga Filipino reporters sa dining hall  kung saan kumain siya ng kanyang mga paboritong pagkain pagkatapos ng weigh-in ceremony.

Ayon pa kay Pacquiao, gagamitin niya ang magka-halong kilos na may kasamang mabigat na suntok  para makontrol niya ang reigning WBA champion  na si Matthysse.

Kasama ang mga kila­lang politiko sa hapag kainan, kumain si Pacquiao ng kanyang paboritong beef marrow soup, t-bone steak at iba pang Filipino dishes.

“If we have a chance to finish the fight early, we’ll grab that opportunity,” ayon pa kay Pacquiao na hu­ling nanalo via knockout sa laban nila ni Miguel Cotto sa 12th round noong  2009.

Hindi rin nangyari ang KO win sa laban nila ni Jeff Horn sa Brisbane, Australia noong Hulyo ng nakaraang taon kung saan nagwagi ang Australyano via unanimous decision.

“Ganadong, ganado ako ngayon. ‘Yung takot, wala na ‘yan sa akin (Fear is no longer a factor for me),” aniya. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with