^

PSN Palaro

Lady Warriors, Perlas Spikers ikakasa ang PVL Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Warriors, Perlas Spikers ikakasa ang PVL Finals
Papalo ang Lady Warriors kontra sa top seed Creamline Cool Sma­shers sa alas-3:45 ng hapon habang titipanin naman ng Perlas Spikers ang PayMaya High Flyers sa unang laro sa ala-1:45.

MANILA, Philippines — Pakay ng nagdedepensang Pocari Sweat-Air Force at BanKo Perlas na maiselyo ang kanilang paghaharap sa finals sa paglarga ng Game 2 ng Premier Volleyball League Reinforced Conference best-of-three semifinals series sa The Arena sa San Juan City.

Papalo ang Lady Warriors kontra sa top seed Creamline Cool Sma­shers sa alas-3:45 ng hapon habang titipanin naman ng Perlas Spikers ang PayMaya High Flyers sa unang laro sa ala-1:45.

Mataas ang moral ng Pocari Sweat-Air Force makaraang itarak nito ang impresibong 25-23, 25-12, 25-23 demolisyon sa Creamline para makalapit sa inaasam na makabalik sa finals.

Umariba ng husto sina American imports Arielle Love at Maddie Palmer ngunit malaki ang tulong ng local players gaya nina Myla Pablo, Jeanette Pa­naga at Dell Palomata kasama si veteran playmaker Wendy Anne Semana.

Subalit daraan sa butas ng karayom ang Lady Warriors dahil desidido ang Cool Smashers na rumesbak sa pangunguna ni three-time UAAP MVP Alyssa Valdez.

“Marami kaming matututunan sa mga talo. Kaya namin ito, kailangan na­ming ibigay yung best namin at yung tulong namin sa isa’t isa para makuha itong Game 2,” ani Valdez.

Maliban kay Valdez, i­naasahang babawi sina Thai import Kuttika Kaewpin at American reinforcement Laura Schaudt matapos ang masamang laro sa series opener.

Sa men’s division, nais din ng Cignal at Philippine Air Force na maisara ang kanilang pagtutuos sa finals.

Pakay ng HD Spikers na maulit ang kanilang 25-22, 25-20, 26-24 panalo sa PLDT habang puntirya ng Jet Spikers na maduplika ang 27-25, 17-25, 25-19, 25-21 pananaig sa Vice Co.

Nakatakda ang Air Force-Vice Co match sa alas-10 ng umaga habang lalarga ang salpukan ng Cignal at PLDT sa alas-6 ng gabi.

vuukle comment

BANKO PERLAS

POCARI SWEAT-AIR FORCE

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with