^

PSN Palaro

Biado, De Luna asam ang Q’finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

2018 World Cup Of Pool

MANILA, Philippines — Sasarguhin nina Carlo Biado at Jeffrey De Luna ang puwesto sa quarterfinals sa paglarga ng second round ngayong hapon sa 2018 World Cup of Pool sa Luwan Arena sa Shanghai, China.

Titipanin nina Biado at De Luna sina Imran Majid at Mark Gray ng England sa alas-2:30 ng hapon habang papalo rin ang salpukan nina Ralf Souquet at Joshua Filler ng Germany at Dejing Kong at Ming Wang ng China-B sa alas-1:30.

Masisilayan din ang engkuwentro nina Chang Jung-Lin at Cheng Yu-Hsuan ng Chinese-Taipei at Alexander Kazakis at Nick Malaj ng Greece sa alas-3:30 sa torneong may basbas ng World Pool-Billiard Association at naglaan ng $250,000 kabuuang premyo kabilang ang $60,000 para sa kampeon at $30,000 naman sa runner-up.

Umabante sa second round sina Biado at De Luna matapos patalsikin sina Matt Edwards at Marco Teutscher ng New Zealand, 7-3  sa opening round noong Miyerkules habang nanaig naman sina Majid at Gray kina Ryu Seung Woo at Jeong Young-Hwa ng South Korea, 7-2  sa hiwalay na first-round game.

Aminado sina Majid at Gray na matinding laban ang kanilang haharapin dahil alam ng dalawa ang kalidad ng laro ng matitikas na Pinoy cue masters.

Nakatakda rin ang duwelo nina defending champions Mario He at Albin Ouschan ng Austria at nina Mateusz Sniegocki at Wiktor Zielinski ng Poland gayundin ang duwelo nina Niels Feijen at Marc Bijs­terbosch ng Netherlands at nina Jayson Shaw at Scott Gillespie ng Scotland.

vuukle comment

2018 WORLD CUP OF POOL

CARLO BIADO

JEFFREY DE LUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with