^

PSN Palaro

Pocari sisimulan na ang depensa sa titulo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sisimulan ng Pocari Sweat-Air Force ang pagdepensa sa titulo nito sa pakikipagtipan sa PayMaya sa pagdayo ng Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Tuguegarao City ngayong araw.

Lalarga ang paluan ng Pocari at PayMaya sa alas-2 na susundan ng duwelo ng Creamline at BanKo-Perlas sa alas-4.

Bagong mukha ang ipaparada ng Lady Warriors sa pangunguna nina MVP Myla Pablo, Elaine Kasilag at Jeanette Panaga na bukod-tanging manlalaro ng tropa na natira.

Makakasama pa ng tatlo ang dalawang mahuhusay na imports na sina Maddie Palmer at A­rielle Love habang dagdag puwersa pa sina Jet Spikers aces Wendy Semana, Iari Yongco, Dell Palomata, Angel Mae Antipuesto at May Ann Pantino.

Sa kabilang banda, target ng Cool Smashers na makuha ang ikalawang sunod na panalo.

Gaya ng inaasahan, pamumunuan ni three-time UAAP MVP Alyssa Valdez ang ratsada ng Cool Smashers laban sa BanKo-Perlas Spikers na babanderahan naman ng kanyang dating Ateneo teammates na sina Mae Tajima, Dzi Gervacio, Ella de Jesus, Jem Ferrer at Amy Ahomiro.

Makakasama ni Valdez sa atake si Thai import Kuttika Kaewpin gayundi si reigning Binibining Pilipinas-Globe Michele Gumabao at defensive gem Melissa Gohing na dating miyembro ng Lady Warriors.

Ipaparada naman ng Perlas Spikers sina reinforcements Jutarat Montripila at Lakia Bright.

Dalawang araw mananatili sa Tuguegarao ang PVL.

Maghaharap sa Linggo ang Pocari-Air Force at BanKo Perlas habang mag­titipan naman ang Creamline at PayMaya.

Ang dalawang ma­ngungunang koponan matapos ang single-round elimination ay awtomatikong papasok sa semifinals habang ang natitirang anim na koponan ang siyang maglalaban-laban sa quarterfinals para sa huling tiket sa semis.  

vuukle comment

PAYMAYA

POCARI SWEAT-AIR FORCE

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE REINFORCED CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with