^

PSN Palaro

‘Di na patatagalin ng hotshots

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hanggang hindi naitatala ng Magnolia ang kanilang ika-apat na panalo laban sa NLEX sa best-of-seven semifinals series nila ay hindi makakapagrelaks si coach Chito Victolero.

Kinuha ng Hotshots ang krusyal na 3-2 bentahe matapos talunin ang Road Warriors, 87-78 sa Game Five noong Linggo sa 2018 PBA Philippine Cup.

At isang panalo na lamang ang kailangan ng Magnolia para tapusin ang NLEX at umabante sa kanilang pang-28 PBA Finals stint at target ang ika-14 korona.

“We need four wins to go to the finals, so just try to maintain... be consistent on our effort, consistent on our focus and our mental toughness,” wika ni Victolero. “May konting advantage kasi nanalo kami. But again hindi pa tapos ang series.”

Magtutuos ang Hotshots at Road Warriors ngayong alas-7 ng gabi sa Game Six sa Smart Araneta Coliseum.

Ang mananalo sa serye ang maghahamon sa nagdedepensang San Miguel para sa best-of-seven championship series.

Lalabanan ng NLEX ang Magnolia na wala si point guard Kevin Alas, nagkaroon ng ACL injury sa kanyang kanang tuhod na nangyari sa unang 39 segundo ng first period sa Game Five.

Sa kabila nito ay kumpiyansa pa rin si mentor Yeng Guiao na maitatabla ng Road Warriors ang kanilang serye ng Hotshots para makapuwersa ng game Seven sa Huwebes sa Big Dome.

Samantala, litaw na litaw ang dominasyon ni four-time league MVP June Mar Fajardo ng  San Miguel sa kanilang best-of-seven semifinals series ng Barangay Ginebra.

Kumamada ang 6-foot-10 na si Fajardo ng mga averages na 20.67 points at 12.67 rebounds para tulungan ang Beermen na tapusin ang Gin Kings sa 4-1 patungo sa 2018 PBA Philippine Cup Finals.

Dahil dito ay hinirang si Fajardo bilang PBA Press Corps Player of Week.

Tinalo ni Fajardo para sa weekly citation ang kanyang mga San Miguel teammates na sina Marcio Lassiter, Arwind Santos at Alex Cabagnot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with