^

PSN Palaro

‘Big 3’ ng Cavs ‘di umubra sa Hawks

Pilipino Star Ngayon
�Big 3� ng Cavs �di umubra sa Hawks
Nag-unahan sina Channing Frye ng Cavaliers at Dennis Schroder ng Hawks sa loose ball sa aksyong ito sa kanilang laban sa NBA.

CLEVELAND - Nagsalpak ang Atlanta Hawks ng mga krusyal na jumpers para tapusin ang kanilang 11-game losing slump sa Cleveland at ipalasap sa Cavaliers ang una nitong kabiguan sa season sa pamamagitan ng 110-106 panalo sa Quicken Loans Arena.

Nagtulung-tulong sina Kent Bazemore, Paul Millsap at Dennis Schroder  para sagutin ang ratsada ng Cavs  big three na sina LeBron James, Kyrie Irving at Kevin Love.

“They’ve dominated the Eastern Conference for a long time now,” sabi ni Bazemore.

Umiskor si Schroder ng limang sunod na puntos para ibigay sa Hawks ang 106-97 abante sa huling dalawang minuto.

Nagsalpak naman sina James at Irving ng back-to-back triples na nagdikit sa Cavs sa 103-106 agwat bago tumipa si Millsap ng isang jumper sa natitirang 30 segundo na naglayo sa Hawks sa 108-103.

Matapos ang three point play ni Love na muling naglapit sa Cavs sa 106-108, sumagot naman si Bazemore mula sa kanyang jumper para sa 110-106 bentahe ng Hawks sa huling anim na segundo.

Isang 17-4 atake ang pinakawalan ng Atlanta sa 5:22 minuto ng second quarter para kunin ang 53-44 abante sa first half.

Tumapos si Schroder na may 28 points. kasunod ang 25 ni Bazemore at 21 ni Millsap para sa 5-2 record ng Hawks, habang nagtala si Dwight Howard ng 7 mar­kers at 17 rebounds.

Pinamunuan ni Irving ang Cavs sa kanyang 29 points kasunod ang 24 ni Love at 19 ni James.

Sa Los Angeles, umiskor si Harrison Barnes ng 31 points, habang may 23 si Seth Curry para tulungan ang Dallas Mavericks sa 109-97 panalo laban sa Lakers.

Nag-ambag si JJ Barea ng 18 points, 7 rebounds at 8 assists para sa Mavericks, tinalo ang Lakers sa ika-11 sunod na pagkakataon sapul noong April 2, 2013.

Binanderahan ni Fil-Am Jordan Clarkson ang Lakers sa kanyang 22 points kasunod ang 20 ni Nick Young at 15 ni Lou Williams.

Sa iba pang resulta, tinalo ng Brooklyn ang Minnesota, 119-110; tinakasan ng Memphis ang Denver, 108-107; at nilusutan ng Portland ang Phoenix, 124-121.

vuukle comment

ATLANTA HAWKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with