^

PSN Palaro

SBP ibinigay ang solidong suporta sa Gilas Pilipinas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nangako ang Gilas Pilipinas na gagawin ang lahat ng kanilang makakaya para makamit ang inaasam na tiket para sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro Brazil sa Agosto.

Sa isang send-off kahapon ay ibinigay ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang solidong suporta sa Nationals na sasabak sa 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa July 5-10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pinangunahan ni SBP president Manny V. Pa­ngi­linan ang nasabing sere­monya na dinaluhan nina Gilas Pilipinas  head coach Tab Baldwin at players June Mar Fajardo, Marc Pingris, Ryan Reyes at Gabe Norwood.

Ang magkakampeon sa Manila OQT ang makakakuha ng tiket para sa 2016 Rio Olympics.

Umaasa si Pangilinan na muling makakapaglaro ang bansa sa Olympics matapos ang 44 taon.

“On behalf of our basketball team, keep us in your thoughts, keep us in your prayers, and most importantly keep us in your hearts,” sabi ni Baldwin.

Humingi rin ng suporta sa sambayanan si Pingris para sa kanilang pagsabak sa Manila OQT.

“Sana po suportahan n’yo kami dahil itong pag­lalaro namin ay hindi lang para sa amin kundi para sa ating bansa. So kailangan namin ‘yung tulong n’yo, kailangan namin ‘yung prayers n’yo,” ani Pingris, miyembro ng Nationals na kumampanya sa FIBA World Cup sa Spain noong 2014.

Kasama ng Gilas PIlipinas sa Group B ng Manila OQT ang France at New Zealand, habang nasa Group A naman ang Turkey, Canada at Senegal.

Unang makakatapat ng Gilas Pilipinas ang France, babanderahan ni San Antonio Spurs’ point guard Tony Parker, sa Hulyo 5 kasunod ang New Zealand kinabukasan.

Magtutungo bukas ang Nationals sa Europe kasama sina Baldwin, assistant coaches Josh Reyes, Norman Black, Nash Racela at Alex Compton at team manager Butch Antonio

Sasailalim sa ilang tune-games ang Gilas Pilipinas sa Greece, Turkey at Italy bago sumabak sa Manila OQT na pinakahu­ling tsansa ng bansa  para makalaro sa Rio Olympics sa Brazil sa Agosto.

vuukle comment

BLACKOUT

NUEVA ECJA

PAMPANGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with