^

PSN Palaro

Gilas binigyan ni MVP ng insentibo

Joey Villar, Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

CHANGSHA -- Binigyan  agad ng insentibo ni Sama­hang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan ang mga kasapi ng Gilas Pilipinas matapos ng malalaking panalo na naiposte sa Iran at Lebanon sa 2015 FIBA Asia Men’s Championship.

Dumating si MVP isang araw bago hinarap ng Natio­nals ang Lebanon, kinausap niya ng panandalian ang mga kasapi ng koponan matapos ang laro upang pasalamatan at gantimpalaan.

“Ang ginawa namin after the game sa dugout, we congratulated them at nagbigay ng konting bonus. Sa Iran game, I told them you deserved something at saka sa victory against Lebanon,” wika ni  Pangilinan.

Binigyan ng bonus ni MVP ang mga kasapi ng kopo­nan para maipakita at maiparamdam sa kanila ang kasiyahan ng milyun-milyong Filipino ngayong umabot sila sa semifinals.

Kalaban ng Gilas ang Japan sa semis at paborito na manalo dahil tinalo nila ito sa second round,  73-66.

Magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman ni MVP sa inabot na ng sinusuportahang koponan.

“We’re very happy, we’re all happy and the nation is happy,” pahayag nito. “But on the other hand, we’re more nervous now as we’re in the medal round.”

Pero kung may isang bagay siyang nagugustuhan sa takbo ng koponan, ito ay ang magandang samahan ng mga manlalaro at ni coach Tab Baldwin.

“Kita mo may rhythm na si coach Tab,” pagdidiin ni Pangilinan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASIA MEN

BASKETBOL

BINIGYAN

DUMATING

GILAS PILIPINAS

MANNY V

PANGILINAN

SA IRAN

TAB BALDWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with