^

PSN Palaro

Rigondeaux kukuning sparmate ni Pacman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang boksingero na minsan nang itinuring ni Freddie Roach bilang isa sa pinakamahusay na counter puncher na nakita ang posibleng maihanay bilang sparmate ni Manny Pacquiao para sa ginagawang paghahanda sa mega-fight laban kay Floyd Mayweather Jr.

Ang two-time gold me­dal winner sa Olympics at ngayon ay walang talo sa super bantamweight division na si Guillermo Rigondeaux na bagama’t mas maliit at mas magaan ang timbang na pinaglalabanan kumpara kay Pacquiao ngunit naibibigay niya ang hanap ni Roach na istilo ni Mayweather, ang ga­ling sa counter-punching ang napipisil ng American trainer na maging isa sa mga sparmate ni Pacman.

Lumutang ang pangalan ng kampeon sa WBA at WBO super bantamweight champion sa mga internet at puwedeng maganap ito dahil noong 2010 ay magkasabay silang nagsanay ni Pacquiao dahil hawak pa siya ni Roach.

“He’s the best counterpuncher I’ve ever seen,” minsan nang sinabi ni Roach kay Rigondeaux na hindi pa natatalo matapos ang 15 laban at kasama sa hiniya ay ang dating Filipino champion na si Nonito Donaire Jr.

Papasok na sa panga­lawang linggo ang pagha­handa ni Pacman at si Roach na ang mangungu­na rito matapos bumalik mula Macau na kung saan ay nabigo sila ni Chinese boxer Zou Shiming kay IBF flyweight champion Amnat Ruenroeng ng Thailand.

Inaasahang sisimulan na ang sparring session ni Pacquiao matapos kunin ni Roach ang serbisyo ng dalawang matatangkad na boksingero na sina Kenneth Sims Jr. at Rashidi Ellis.

Handa naman na ang Pambansang Kamao sa sparring at iba pang mas pisikal na bahagi ng paghahanda paniniyak ni strength and conditioning coach Justin Fortune. (AT)

vuukle comment

AMNAT RUENROENG

FLOYD MAYWEATHER JR.

FREDDIE ROACH

GUILLERMO RIGONDEAUX

JUSTIN FORTUNE

KENNETH SIMS JR.

NONITO DONAIRE JR.

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with