^

PSN Palaro

Giants dinurog ang Warriors

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naghatid si Marion Magat ng 18 puntos mula sa bench para tulungan ang Jumbo Plastic Giants sa 94-57 pagdurog sa MP Hotel Warriors sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Si Mark Cruz na hindi starter ay may 11 puntos pa habang si Dennis Villamor ay tumapos taglay ang 13 puntos para ibigay sa Giants ang ikaapat na panalo sa limang laro.

Bago ito ay nangamba si coach Stevenson Tiu sa maaaring ipakita ng kanyang koponan dahil napilayan sa kamay ang sentrong si McLean  Sabellina, si Jan Colina ay may iniinda ring injury habang wala na ang mga guards na sina Brian Heruela at Janus Lozada.

Si Colina na hindi nakasama ng koponan bunga ng shoulder injury, ay naipasok sa huling yugto ng laro at tumapos taglay ang anim na puntos.

“Our bench made a big difference in this game,” ani Tiu na tinukoy pa ang magandang pressing defense na nagresulta sa 31 errors ng Warriors tungo sa 31-10 bentahe sa turnover points.

Nalaglag ang MP Hotel sa 1-4 karta at sina Hernal Escosio at Rhey Sumido ay nagtala ng 11 at 10 puntos .

Sinunggaban ng AMA University Titans ang ikalawang panalo matapos ang limang laro nang pabagsakin ang Racal Motors Alibaba, 83-76.

Sina Philip Paniamogan at Jay-R Taganas ay naghatid ng magandang numero upang ipagkait sa Alibaba ang pinuntiryang ikalawang dikit na panalo.

May 22 puntos si Pa­nia­mogan na kinatampukan ng tatlong tres matapos ang pananakot ng Racal sa tatlo, 68-65.

Si Taganas ang naghatid ng puwersa sa ilalim para sa nanalong koponan sa impresibong 21 puntos at 20 rebounds.

vuukle comment

BRIAN HERUELA

D-LEAGUE ASPIRANTS

DENNIS VILLAMOR

HERNAL ESCOSIO

HOTEL WARRIORS

JAN COLINA

JANUS LOZADA

JAY-R TAGANAS

JUMBO PLASTIC GIANTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with