^

PSN Palaro

PLDT, FEU pipitasin na ang 3rd place

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Asahan na hihigitan pa ng PLDT Home Telpad Turbo Boosters at FEU Tamaraws ang naipakitang laro noong Martes para angkinin ang inaasam na ikatlong puwesto sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 11 Third Conference nga­yong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Katipan ng PLDT ang determinadong Meralco Power Spikers sa tampok na laro na magsisimula matapos ang bakbakan ng FEU at RTU  Blue Thunders sa men’s division sa alas-2 ng hapon.

Bibitbitin ng Turbo Boosters at Tamaraws ang mga magagandang panalo na naitala noong Martes para siluin ang ikatlong puwesto sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s bukod sa suporta ng Accel at Mikasa.

Lumabas ang taglay na karanasan nina Sue Ro­ces, Gretchel Soltones, Angela Benting at Ruby De Leon para makabangon ang Turbo Boosters sa 1-2 set iskor tungo sa 25-21, 21-25, 20-25, 25-20, 15-11, panalo.

Nananalig ang pamunuan ng PLDT na magpapatuloy ang matikas na laro ng koponan lalo pa’t inaasahan na hahataw nang husto ang Meralco para pigilan ang paglasap ng ikawalong sunod na pagkatalo.

Sina Wanida Kotruang at Aby Maraño ay mga nagdala ng laban sa Meralco sa Game One at inaasa­hang sila rin ang sasandalan sa larong ito.

Pero dapat na makuha nila ang suporta ng mga kasamahan para ma­paabot sa sudden death ang best-of-three series.

Ang Game Three ay paglalabanan sa darating na Martes.

Bibitbitin ng FEU ang 30-28, 21-25, 25-16, 25-23, panalo laban sa RTU para lumabas na ikatlong pinakamahusay na kopo­nan sa unang men’s division sa liga.

 

vuukle comment

ABY MARA

ANG GAME THREE

ANGELA BENTING

BIBITBITIN

BLUE THUNDERS

GAME ONE

GRETCHEL SOLTONES

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

TURBO BOOSTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with