^

PSN Palaro

Pacquiao masaya kahit ‘di impresibo ang PBA debut

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi naging maganda ang debut  ni  Pambansang  Ka­mao Manny Pacquiao sa PBA dahil nasa isipan niya ang magaganap na laban kontra kay Chris Algieri sa Macau sa susunod na buwan.

“Sanay naman tayo sa balikatang laban sa probinsya. Medyo hindi lang ako focus dahil nasa isip ko yung Algieri fight,” wika ni Pacquiao.

Starter ang playing coach ng baguhang PBA team Kia Sorento nang  harapin ang Blackwater Elite sa unang laro ng PBA Philippine Cup pero dalawang errors at isang foul sa halos pitong minutong paglalaro ang naibigay ni Pacquiao.

Hindi naman napurnada ang asam  na unang panalo ng koponan sa larong sinaksihan ng 53,000 manonood dahil tinambakan nila ang Elite, 80-66.

Mawawala pansamantala si Pacquiao sa koponan dahil pagtutuunan na niya ang paghahanda kontra sa wala pang tatlong si Algieri.

Kampante naman niyang iiwanan ang koponan dahil mahuhusay ang mga assistant coaches sa pangunguna ni Glenn Capacio.

“I’ll be back after the fight. I know there’s nothing to worry about our team since my assistant coaches will be there,” pahayag pa ni Pacquiao.

 

vuukle comment

ALGIERI

BLACKWATER ELITE

CHRIS ALGIERI

GLENN CAPACIO

KAMPANTE

KIA SORENTO

PACQUIAO

PHILIPPINE CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with