^

PSN Palaro

Shakey’s V-League Season 11th Lady Troopers ‘di mapigil sa pananalasa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinandalan  uli ng Army Lady Troopers ang bentahe sa pag-atake para iangat ang malinis na karta sa 3-0 sa 29-31, 25-19, 25-16,25-18, panalo sa PLDT Home Telpad Turbo Boosters sa Shakey’s V-League Season 11 Third Conference women’s division noong Huwebes ng gabi sa The Arena sa San Juan City.

Si Dindin Santiago ay may apat na blocks tungo sa 19 hits habang sina Jovelyn Gonzaga, Carmina Aganon at Mary Jean Balse ay naghatid pa ng 17,14 at 10 hits upang lumapit pa ang Open Conference champion sa pagpasok sa championship round sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Bumaba ang PLDT sa 1-2 baraha at si Sue Roces ay naghatid ng 11 puntos.

Inaasahang masusukat na ang lakas ng Army sa second round dahil sa napipintong paglalaro ng mga imports ng Cagayan Valley Lady Rising Suns, Turbo Boosters at Meralco Power Spikers.

Namagitan na ang Phi­lippine Volleyball Federation (PVF) sa problema ng ligang inorganisa ng Sports Vision sa isang pagpupu-long noong Huwebes ng gabi na dinaluhan din ng SportsCore na siyang nagpapatakbo ng Philippine Superliga.

Ang problema patungkol sa International Certi-ficate Transfer na hindi pa nakukumpleto ng V-League ang tinalakay at napagkasunduan ng tatlong nagpulong na magtulungan para makalaro na ang mga binabayarang imports. (AT)

vuukle comment

ARMY LADY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

CARMINA AGANON

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

HUWEBES

INTERNATIONAL CERTI

JOVELYN GONZAGA

MARY JEAN BALSE

MERALCO POWER SPIKERS

SPORTS VISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with