^

PSN Palaro

Red Lions uulitan ang generals

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lalayo pa ang San Be­da Red Lions sa mga ka­tunggali, habang lalapit naman ang Letran Knights sa mga nasa itaas sa 90th NCAA men’s basketball nga­yon sa The Arena sa San Juan City.

Katipan ng four-time defending champion na Red Lions ang Emilio Aguinaldo College Generals at balak na hagipin ang ikaapat na sunod na panalo sa unang tagisan sa alas-2 ng hapon.

Tinalo na ng bataan ni coach Boyet Fernandez ang Generals sa unang pag­tutuos,78-54, at walang na­kikitang problema sa ha­ngarin lalo pa’t malabo pang makasama ng tropa ni coach Gerry Esplana si Noube Happi bunga ng back injury nito.

Ang Knights ay ma­ki­ki­pagsukatan sa San Se­bastian Stags sa ikalawang laro sa alas-4 at hangad ang ikaanim na panalo sa 13 laro para lumakas ang paghahabol ng puwesto sa Final Four.

Mataas ang morale ng koponan ni coach Caloy Garcia dahil tatlo sa huling apat na laro ang kanilang naipanalo.

Pinapaboran pa ang ko­ponan laban sa Stags na may siyam na sunod na pagkatalo para samahan ang Mapua Cardinals sa 3-10 karta at mamahinga na sa liga.

vuukle comment

ANG KNIGHTS

BOYET FERNANDEZ

CALOY GARCIA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

FINAL FOUR

GERRY ESPLANA

LETRAN KNIGHTS

RED LIONS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with