^

PSN Palaro

BWC national finals gugulong ngayon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagugulungin ang na­tional finals ng Bowling World Cup ngayong araw tampok ang 80 men’s qualifiers sa pangunguna ni da­ting world titlist Biboy Rivera simula sa alas-10 ng umaga sa Coronado Lanes.

Bukas naman papagitna ang 52 lady aspirants na binabanderahan ni Liza del Rosario sa nasabi ring oras at venue.

Tatargetin ng 132 fina­lists ang top 34 spots sa men’s at ladies’ divisions para manatiling palaban sa major prize --ang makalaro sa international finals sa Wroclaw, Poland sa Nobyembre 1-9.

Sa pagdadala ng ka­ni­lang mga iskor, muling maglalaro ang top 34 men at top 34 ladies ng 12 at 10 games, ayon sa pagkakasunod, sa Agosto 19 at 20 sa Paeng’s Midtown center.

Ang top eight perfor­mers sa men’s at ladies’ groups ang papasok sa ikatlo at huling araw sa SM North EDSA.

Ang matitirang walong men at lady contenders ang maglalaro sa isang one-round robin format kug saan ang 30 points ay mapupunta sa mananalo at 15 para sa magtatabla na magdedetermina sa tatlong lalaban sa stepladder finals.

Ang lahat ng malala­king pangalan sa Philippine bowling ay maglalaban ma­liban kay six-time world champion Paeng Nepomu­ceno na kasalukuyang nasa United States dahil sa fa­mily commitment.

vuukle comment

AGOSTO

BIBOY RIVERA

BOWLING WORLD CUP

BUKAS

CORONADO LANES

NOBYEMBRE

PAENG NEPOMU

SHY

UNITED STATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with