^

PSN Palaro

NLEX, Blackwater lalapit sa Finals

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Arena, Pasig City)

2 p.m.  Cebuana Lhuillier vs NLEX

4 p.m. Jumbo Plastic

vs Blackwater Elite

 

MANILA, Philippines - Ilapit ang mga sarili sa muling pagtutuos sa titulo ang pagsisikapang gawin ngayon ng nagdedepensang kampeon Blackwater Sports Elite at NLEX Road Warriors sa pagsisimula ng PBA D-League Foundation Cup semifinals sa Ynares Arena sa Pasig City.

Ang Elite ay babangga sa Jumbo Plastic Giants sa tampok na laro na magsisimula matapos ang unang bakbakan sa pagitan ng Road Warriors at Cebuana Lhuillier Gems sa ganap na alas-2 ng hapon.

Best-of-three ang serye kaya’t ang mananalo sa larong ito ay manganga­ilangan na lamang na ipanalo ang Game Two para maitakda ang pagtutuos sa titulo sa isa ring best-of-three series.

Sa 2013 Foundation Cup, ang NLEX at Blackwater Sports ang siyang naglaban at sinilat ng Elite ang Road Warriors para maging ikalawang koponan sa liga na nakatikim ng kampeonato.

Pero hindi magiging  madali ang pakay na ito ng dalawang koponan dahil determinado rin ang Gems at Giants na pigilan ito.

Ang Gems ang huling koponan na umabot sa Final Four nang kalusin ang Big Chill, 67-60, noong Martes.

“Malakas ang NLEX pero ang panlaban namin ay puso,” wika ni Gems coach David Zamar.

Sa kabilang banda, ang mahabang break ang inaasahan ni NLEX coach Boyet Fernandez na hindi sana makaapekto sa ipakikita ng koponan.

Ang tagisan ng Elite at Giants ay rematch matapos maglaban ang dalawang koponan sa quarterfinals ng Aspirants’ Cup.

Bitbit ng Giants ang twice-to-beat advantage pero tinalo sila ng dalawang sunod ng Elite.

‘Hopefully, we’ve lear­ned our lesson,” ani ni Giants coach Stevenson Tiu na tinalo rin si coach Leo Isaac sa pagtutuos sa elimination round, 76-68. (ATan)

vuukle comment

ANG ELITE

ANG GEMS

BIG CHILL

BLACKWATER ELITE

BLACKWATER SPORTS

BLACKWATER SPORTS ELITE

PASIG CITY

ROAD WARRIORS

YNARES ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with