Pagaduan vs Japanese boxer para sa WBO atomweight title

MANILA, Philippines - Itataya ni Jessebelle Pagaduan ang kanyang malinis na record sa pakikipagharap kay Nao Ikeyama ng Ja­pan para sa bakanteng World Boxing Organization atom­weight title ngayong Sabado sa Azalea, Taisho, Osaka, Japan.

Buo ang kumpiyansa ng 29-anyos na si Jessebelle, isang seasoned fighter na taglay ang ring record na 6-0 (4KOs)  na makukuha ang titulo at gumawa ng pangalan sa larangan ng  boksing.

Nagbigay ng suporta sa biyahe ni Jessebelle at ng kanyang trainer na si Toto Banares ang K2 Gym kung saan nagsasanay si Pagaduan.

 

Show comments