PhilHealth, AFP wagi

Team Standing

Group A                        W    L

Judiciary                          3     0

AFP                     3     1

LGU                    1     2

MMDA                           1      2

DOJ03

Group B

PhilHealth                        3    0

PNP                      2    1

Malacanang          1    2

Senate                  1    1

House Of Rep.                 0    2

 

 

MANILA, Philippines - Malakas na panimula ang sinandalan ng PhilHealth para kunin ang ikatlong sunod na panalo sa pamamagitan ng 76-61 pagdurog sa Malacañang sa 2nd UNTV Cup noong Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City .

May 22 puntos si Jesson Alfeche habang 21 puntos ang ibinigay ni Alex Noriega. May pinagsamang 22 puntos pa sina Paul Yamamoto at Joseph Besa para sa solidong pagtutulungan ng PhilHealth upang manatiling naka­angat sa Group B.

Sinandalan ng AFP ang dalawang free throws ni Joel Jabar sa huling dalawang segundo para sa 101-98 panalo sa Local Government Unit habang hiniya ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang Department of Justice, 104-87, isa iba pang mga laro.

Naglaho ang 99-87 kalamangan ng Cavaliers nang nagtulong sina Ervic Vijandre, Francis  Adriano at San Juan Vice Mayor Francis Zamora sa 11-0 bomba.

Show comments