^

PSN Palaro

Napiling player of the week Castro naging sandigan ng Texters sa 2 sunod na arangkada

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa unang dalawang laro ng Talk ‘N Text sa 2014 PBA Commissioner’s Cup ay nagtala si guard Jason Castro ng mga ave­rages na 17.0 points, 3.0 rebounds at 2.5 assists.

Mula sa kanyang pagbibida sa dalawang sunod na panalo ng Tropang Texters ay hinirang si Castro bilang Accel-PBA Press Corps. Player of the Week.

Tinalo niya para sa nasabing weekly citation si 2013 PBA Most Valuable Player Arwind Santos ng San Miguel Beer na katabla ng Talk ‘N Text sa liderato.

Sinabi ni coach Norman Black na matapos masibak sa nakaraang 2014 PBA Philippine Cup ay pinabigat pa ng Tropang Texters ang kanilang depensa.

“I’m happy that our defense was able to hold up for us (against Air21). It feels good to get the se­cond win,” sabi ni Black sa 95-91 panalo ng Tropang Texters laban sa Express noong Sabado kung saan tumipa si Castro ng 22 points para sa kanilang pangalawang dikit na ratsada.

Sa 85-72 panalo ng Talk ‘N Text kontra sa nagdedepensang Alaska sa pagbu­bukas ng torneo noong nakaraang Miyerkules ay tumipa ang 5-foot-8 guard mula sa Philippine Christian University ng 12 points, kabilang dito ang dalawang three-point shots.

Nakatakdang pag-agawan ng Tropang Texters at ng Beermen ang liderato sa kanilang paghaharap sa Biyernes.

 

vuukle comment

JASON CASTRO

MOST VALUABLE PLAYER ARWIND SANTOS

N TEXT

NORMAN BLACK

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

PHILIPPINE CUP

PLAYER OF THE WEEK

PRESS CORPS

SAN MIGUEL BEER

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with