^

PSN Palaro

Pinoy wrestlers 3-bronze ang itinumba

Pilipino Star Ngayon

NAY PYI TAW--Na­bigong makakuha ng panalo ang mga Filipino grapplers matapos makuntento ang tatlo sa kanila sa bronze medal sa men’s freestyle wrestling competition ng 27th Southeast Asian Games kahapon dito sa National Indoor Stadium sa Yangon.

Natalo ang bagitong si Alvin Lobrequito kay Ngu­yen Hyha ng Vietnam sa semis para bumaba sa bronze medal match kung saan tinalo si Gabriel Juang Junen ng Singapore sa  55-kg category.

Nanaig naman si Joseph Angana kay Bui Tuan Anh ng Vietnam sa 66-kg class, samantalang nangi­babaw si Jhonny Morte kay Jirawat Iamsamang sa 60-kg class para sa labanan sa tansong medalya.

Nauna nang nabigo sina Margarito Angana at Jason Balabal sa men’s 55-kg at 84-kg Greco Roman, ayon sa pagkakasunod, noong Martes.

Sina Angana at Balabal ang nagdedepensa sa kanilang mga kategorya, ngunit ang kanilang pag­yukod ang nagpabagsak sa tsansa ng bansa na ma­lampasan ang  two-gold medal finish noong 2011 SEAG sa Indonesia.

Sinabi ni Camposano na umaasa siyang maka­ka­bangon si Balabal na lalaban sa 84-kg category ng men’s freestyle ngayon.

“Susubukan kong ma­nalo,” ani Balabal na bibiyahe ng isang oras patungo sa Yangon. 

 

vuukle comment

ALVIN LOBREQUITO

BALABAL

BUI TUAN ANH

GABRIEL JUANG JUNEN

GRECO ROMAN

JASON BALABAL

JHONNY MORTE

JIRAWAT IAMSAMANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with