^

PSN Palaro

Falcons, Bulldogs magsasakmalan para sa krusyal na panalo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magpapatibayan ang Adamson at National University, habang knockout game ang sasabakan ng apat na mauunang magla­laro sa pagpapatuloy nga­yon ng 1st PSC Chairman’s Baseball Cup sa Rizal Memorial Diamond.

Ang mananalo sa pa­gitan ng Falcons at Bulldogs sa alas-12 ng tanghali ay mananatili sa winner’s group habang ang matatalo ang bababa sa one-loss side.

Double-elimination ang format ng kompetisyon at mangangahulugang ito na ang mga koponan na may dalawang talo ay mamamaalam na.

Parehong may 2-0 bara­ha ang Adamson at NU kaya’t tiyak na maganda ang aksyong matutung­hayan.

Samantala, magtutuos ang UP at La Salle Zobel sa unang laro sa ganap na alas-8 ng umaga bago sundan ng pagkikita ng Rizal Technological University at Philippine Air Force dakong alas-10 ng umaga at ang mga mananalo ay patuloy na lalaban sa liga.

Pare-parehong may 2-1 karta ang apat na koponang nabanggit kaya’t gagawin nila ang lahat ng makakaya para makaiwas sa agarang pahinga.

vuukle comment

ADAMSON

BASEBALL CUP

LA SALLE ZOBEL

MAGPAPATIBAYAN

NATIONAL UNIVERSITY

PAREHONG

PHILIPPINE AIR FORCE

RIZAL MEMORIAL DIAMOND

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with