^

PSN Palaro

Stage 4 inangkin: SICAM nakasikwat din

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakuha rin ni Harvey Sicam ang hinangad na lap victory sa kanyang career sa pagbibisikleta nang dominahin ang 134.2-km  Stage Four sa karera kahapon na nagsimula at nagtapos sa Cebu City.

Pamangkin ng nasirang two-time Marlboro Tour champion na si Jacinto, isinantabi ng 26-anyos na tubong San Manuel, Pangasinan ang hamon ng beteranong si Warren Davadilla nang kunin ang pinaglabanang karera sa oras na 3:45.02 segundo.

“Lagi akong nagpupunta sa kanyang puntod (Jacinto) para humingi ng gabay. Sana ay napaligaya ko siya,” wika ni Sicam na tumanggap ng P50,000.00 premyo sa kanyang natatanging lap win.

Naubos ang Cebua­nong si Davadilla ng Y101 FM-Cebu para tumapos lamang sa ikaapat na puwesto sa 3:45:09 at napag-iwanan siya nina Ryan Tu­gawin ng Team Enrile at Rey Martin ng VMobile-Smart na  may magkatulad  na 3:45:04 tiyempo.

Ang overall leader na si Santy Barnachea ng Navy-Standard ay tumapos sa ikawalong puwesto (3:45:31) para manatiling nasa unahan papasok sa Stage 5 na isang 156.8-km karera mula Lapu Lapu City Hall hanggang sa Mountain View Natures Park sa Barangay Busay, Cebu.

May kabuuang oras si Barnachea na 13:39:50 at abante pa ng 2:25 minuto kay Tomas Martinez ng Team Tarlac (13:42:15).

Kung may pagbabago sa puwestuhan ay malalaman matapos ang stage na katatampukan ng ma­titinding ahunan upang ilagay ang leg bilang ikala­wang pinakamahirap sa 16-stage, 21-day na karera.

Ang koponan ni Barnachea ay angat pa rin sa overall team event sa 41:03:21.

vuukle comment

BARANGAY BUSAY

BARNACHEA

CEBU

CEBU CITY

HARVEY SICAM

JACINTO

LAPU LAPU CITY HALL

MARLBORO TOUR

MOUNTAIN VIEW NATURES PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
By Abac Cordero | 13 hours ago
13 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with