^

PSN Palaro

Pacquiao nagpakita ng muscles

RussellCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kagaya ni Juan Manuel Marquez, ipinakita din ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ang kanyang pamatay na katawan sa pinakahuling media workout niya kahapon sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.

Eksaktong ala-1 ng hapon ay dumating ang 33-anyos na si Pacquiao sa Wild Card Gym at dumiretso sa dressing room kung saan siya nagpaunlak ng panayam sa ilang piling reporter kasabay ng paglalagay ng tape sa kanyang dalawang kamay.

Sa kanyang paglabas ng dressing room ay dinumog naman siya ng iba pang media na nag-a­abang sa kanya.

Matapos ang panayam ay umikot si Pacquiao sa boxing ring at nagpakita ng kanyang mala-bakal na katawan.

“This is the condition that I have wanted and I will be looking for a knockout,” sambit ni Pacquiao sa kanilang ikaapat na banggaan ng 39-anyos na si Marquez sa Disyembre 9 (Manila time) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

 Kamakailan ay nagpalabas din si Marquez ng kanyang mga larawan habang nag-eensayo sa Romanza Gym sa Mexico.

Sa panayam ng UST Today, inakusahan ni chief trainer Freddie Roach si Marquez na gumagamit ng ipinagbabawal na per­formance-enhancing drugs (PEDs) na naunang ipinaratang kay Pacquiao nina Floyd Mayweather, Jr. at Oscar Dela Hoya.

Mariin naman itong pina­bulaanan ni Marquez.

“I don’t think that I am slower because my muscles are bigger,” sabi ni Marquez. “Honestly I am working hard in the gym and getting stronger. They are going to get a surprise on December 8.”

Maglalaban sina Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) at Marquez (54-6-0, 39 KOs) sa isang non-title, welterweight fight.

 

vuukle comment

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

HONESTLY I

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MARQUEZ

OSCAR DELA HOYA

PACQUIAO

ROMANZA GYM

WILD CARD BOXING GYM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with