Perpetual sasagupa sa Bedans sa semis

Laro Bukas

(Smart Araneta Coliseum)

12 n.n SBC vs Letran (Jrs.)

2 p.m. SSC vs St. Benilde-LSGH (Jrs.)

4 p.m. SBC vs UPHDS (Srs.)

6 p.m. SSC vs Letran (Srs.)

MANILA, Philippines - Ang Altas na ang hahamon sa nagdedepensang Red Lions sa Final Four.

Ito ay matapos talunin ng University of Perpetual Help ang Jose Rizal University, 73-68, sa kanilang playoff sa 88th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan.

Bilang No. 4 team, lalabanan ng Perpetual ang No. 1 San Beda College sa Final Four, habang magtatagpo naman ang No. 2 San Sebastian College at No. 3 Letran College.

Huling naglaro ang Al­tas sa semis noong 2004.

Parehong tangan ng Red Lions ni coach Frankie Lim at Stags ni mentor Allan Trinidad ang ‘twice-to-beat’ advantage kontra sa Altas ni Aric Del Rosario at Knights ni Louie Alas, ayon sa pagkakasunod.

Ipinoste ng Perpetual ang isang 14-point lead, 35-21, sa 5:29 ng second period hanggang makalapit ang Jose Rizal ni Vergel Meneses sa 57-58 agwat sa 6:26 ng fourth quarter.

Isang 11-2 atake ang ginawa nina Justine Alano, Jett Vidal at Chris Elopre para muling ilayo ang Altas sa 69-59 sa 3:55 ng laro kasunod ang ratsada nina Byron Villarias, John Lopez at Alex Almario para sa 68-70 pagdikit ng JRU sa huling minuto ng laro.

Pero muling nakala­yo ang Altas sa basket nina Scotty Thompson at Nick Omorogbe sa 73-68 abante kontra sa Jose Rizal sa huling 7.4 segundo.

Perpetual Help 73 – Alano 14, Omorogbe 14, Elopre 12, Arboleda 8, Babayemi 7, Paulino 7, Vidal 6, Thompson 5.

JRU 68 – Villarias 19, Lopez 17, Dela Paz 8, Almario 7, Carampil 5, Mendoza 4, Mabulac 4, Salaveria 2, Porter 2 .

Quarters: 22-19, 41-35, 53-50, 73-68.

Show comments