Pinoy Cuppers, Indons magpapaluan na

MANILA, Philippines - Susukatin ni Francis Alcantara ang husay ng SEA Games singles at doubles champion Christopher Rungkat sa pagsisimula ng Philippines-Indonesia Asia-Oceania Zone Group II Davis Cup finals ngayon sa Ge­lora Bung Karno Tennis Stadium sa Jakarta, Indonesia.

Opening singles ang gagawin sa pagbubukas ng tatlong araw na torneo at ang laro nina Alcantara at Rungkat ay itinakda sa ganap na ika-11 ng umaga.

Sunod rito ay ang tagisan ng number one player ng Pilipinas Treat Huey kontra sa number two player ng host country na si Elbert Sie.

Ang doubles match sa Sabado ay sa pagitan nina Fil-Am Ruben Gonzales at Jeson Patrombon laban kina Rungkat at Sie habang ang reversed singles ay itinakda sa Linggo sa pagitan nina Huey at Rungkat at Alcantara at Sie.

Maaari namang magpalit ng line-up para sa laro sa Sabado at Linggo na tatanggapin isang oras bago gawin ang sagupaan. (ATan)

Show comments