^

PSN Palaro

Texters may signal pa, iginupo ang Bolts

- Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matapos kunin ng Tropang Texters ang isang 15-point lead sa first period ay hindi na nakaporma ang talsik nang Bolts.

Nagposte ng isang 33-point advantage sa fourth quarter, madaling iniligpit ng Talk ‘N Text ang Meralco, 108-84, upang bu­hayin ang kanilang tsansa sa playoff para sa ika­lawang finals berth sa 2012 PBA Governors Cup kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

“We have no choice but to win our remaining games,” ani coach Chot Reyes. “We are in a situation na one miss we die. Even if we sweep out, we still need to beat somebody in a playoff.”

Kailangang walisin ng Tropang Texters ang ka­nilang mga laro kontra sa nagdedepensang Petron Blaze Boosters, Rain or Shine Elasto Painters at Ginebra Gin Kings para ma­kakuha ng 4-of-5 incentive sa carryover semifinal round na magbibigay sa kanila ng playoff para sa pangalawang finals slot.

Mula sa 31-16 abante sa first quarter ay itinayo ng Tropang Texters ang 57-35 bentahe sa 4:22 ng second period hanggang ibaon ang Bolts sa 96-63 sa pagsisimula ng final canto para tiyakin ang kanilang tagumpay.

 Kasalukuyang tangan ng Rain or Shine ang 9-2 record kasunod ang B-Meg (7-3), Ginebra (7-4), Petron (6-5), Talk ‘N Text (6-5) at talsik nang Meralco (4-8).

Kasalukuyan pang naglalaro ang Llamados at ang Boosters habang isinusulat ito.

Samantala, puntirya naman ng Elasto Painters ang unang finals berth sa pakikipaglaban sa inspiradong Gin Kings ngayong alas-8 ng gabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang panalo ng Rain or Shine, nanggaling sa 99-86 paggupo laban sa Meralco noong Linggo, ang mag-aakay sa kanila sa una ni­lang finals appearance, habang ang tagumpay naman ng Ginebra ang magbibigay sa kanila ng isang playoff ticket para sa ikalawang finals seat.

Talk N Text 108 - De Ocam­po 24, Aguilar 20, Alapag 12, Williams 11, Harris 10, Peek 8, Castro 7, Fonacier 5, Alvarez 5, Raymundo 4, Gamalinda 2, Aban 0, Lao 0.

Meralco 84 - West 21, Cardona 13, Daa 11, Mercado 9, Bulawan 8, Taulava 6, Hugnatan 5, Ballesteros 4, Reyes 4, Borboran 3, Ross 0, Timberlake 0, Artadi 0.

 Quarterscores: 31-16, 64-43, 89-63, 108-84.

vuukle comment

CHOT REYES

DE OCAM

ELASTO PAINTERS

GIN KINGS

GINEBRA

GINEBRA GIN KINGS

GOVERNORS CUP

MERALCO

N TEXT

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with